Arestado ang isang 18-anyos na single mom sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Patul, Santiago City kahapon, July 14, 2021.
Kinilala ang suspek na si Mylene Khan, walang trabaho at residente ng Plaridel, Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PDEA Region 2, habang isinasagawa ang naturang operasyon ay nakumpiska umano sa suspek ang 2 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Tinatayang may timbang na isang gramo ang nakuhang shabu na may market value na 6, 800 pesos.
Dinala si Khan sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 2 at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Photo/ PDEA Region 2