Timbog ang isang 18 anyos na lalaki at isa pang drug personality matapos maaktuhang nagbebenta ng illegal na droga sa magkahiwalan na illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa Santiago at Tuguegarao City.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, kinilala ang mga suspek na sina Marlon Miguel Macapagal, 42 anyos, truck driver na residente ng Purok 7, Sinsayon, Santiago City at Joshua Bancud, 18 anyos na residente naman ng 175 Banguilan St. Caritan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.
Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nagsagawa ng illegal drug buy bust operation ang magkatuwang na pwersa ng Police Station 2 Drug Enforcement Unit, CDEU, PNP Santiago City, RIU2 at PDEA Region 2 sa Gunot St., corner City Road, Purok 7A, Brgy. Buenavista, Santiago City kung saan naaresto si Macapagal.
Nakumpiska mula sa direktang pag-iingat ni Macapagal ang 1 pirasong heat sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu matapos itong ibenta sa poseur buyer sa halagang 500 pesos.
Sa parehong araw, nagsagawa rin ng operasyon ang City Drug Enforcement Unit ng Tuguegarao, PNP Tuguegarao at PDEA Region 2 na nagresulta ng pagkaaresto ni Baccud kung saan nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang isang folded bond paper na may tuyong dahon, stalks and fruiting tops ng hinihinalang marijuana, 500 pesos at isang unit ng cellphone.
Sa nagyon ay nasa pangangalaga na ng mga otoridad ang dalawang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanila.