Nasawi ang isang 11 buwang sanggol sa bayan ng Sta. Praxedes, Cagayan matapos tamaan ng COVID-19.
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, ito ang kauna-unahang naitalang COVID-19 death ng naturang bayan at nagpaabot na rin umano ng tulong ang Pamahalaang Lokal sa pamilya ng nasawing sanggol.
Kaugnay nito ay inihayag ni Mayor Esterlina Aguinaldo na mahigpit nang ipinatutupad sa kanilang bayan ang “No to Home Quarantine” kayat nasa pangangalaga ng Municipal Isolation Units ang 22 positive patients.
Habang ang mga first level contact ay dinala sa barangay isolation units at ang second level contacts naman ay dinala sa mga paaralan na ginawang extension isolation units habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.
Ito umano ay upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus habang naghihintay RT-PCR test results.
Samantala, mahigpit ding ipinapatupad ang “No Antigen Test/ No RT-PCR Test result” sa mga itinalagang border checkpoint sa lahat ng mga pumapasok sa naturang bayan.