18, 996 learners sa Camarines Norte nag-early registration na para sa SY 2023-2024

CAMARINES NORTE- Aabot sa 18, 996 na mga bata sa lalawigan ng Camarines Norte o 77. 65 % ang nakapagpatala na sa elementarya at sekundarya sa ginagawang early registration ng Department of Education para sa School Year 2023-2024.

Batay sa datos ng DepEd nasa 4, 136 ang nagpatala sa Kinder habang 7, 717 naman sa Grade 1.

Umaabot naman sa 3, 624 ang total enrollment sa Grade 7 at 3, 519 sa Grade 11.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Mas marami ng bahagya ang mga babae na maagang nag-enroll na nasa 9, 565 kumpara sa mga lalaki na nasa 9, 431.

Kung maalala ay sinimulan ng DepEd ang early registration para sa incoming kindergarten, Grades 1, 7 at 11 learners sa public schools sa buong bansa para sa susunod na academic year noong May 10 na tatagal ng hanggang ngayong araw, June 9, 2023.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ayon sa departamento importante na magpre-register o makilahok ng enrollees sa kindergarten, Grades 1, 7 at 11 sa early registration para makapaghanda ang ahensya ng mga plano para sa School Year 2023-2024.

Ikinukunsidera nang pre-registered ang incoming Grades 2, 3, 4, 5, 6, 8, 9, 10 at 12 learners mula sa public schools.