1,745 na bagong COVID-19 cases, naitala

Naiulat ng Department of Health na nakapagtala ang Pilipinas ng 1,745 na bagong COVID-19 cases.

Ayon sa DOH, nasa mahigit 3.65 million na ang mga nairehistrong kaso sa bansa mula nang mag-umpisa ang pandemya.

55,079 mula sa nasabing bilang ay mga active infections, kabilang na ang 637 na asymptomatic; 49,927 na mild; 2,788 na moderate; 1,428 na severe; at 299 na critical.

Inihayag ng DOH na mula sa mga bagong naiulat na kaso, 1,250 nito o 72% ang naganap sa nakalipas na 14 na araw mula February 11 hanggang February 24, 2022. Nanguna ang National Capital Region sa lahat ng mga rehiyon matapos nitong magtala ng 235 na bagong infections o 19%; sinundan naman ito ng Region 4-A na may 153 o 12% at Region 7 na may 133 o 11%

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Meron naman 188 na bagong nasawi na dahilang para umangat ang kabuoang bilang nito sa 55,165.

Ayon sa DOH, tinatayang nasa 126 na kaso na dating natukoy bilang recoveries, ang na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Sinabi rin ng DOH na nasa 6.3% ang positivity rate ng buong bansa, na mas higit sa requirement target na 5% ng World Health Organization.

Umabot sa 28,246 ang bilang ng COVID-19 tests na nagawa sa bansa.

Inihayag rin ng DOH na operational ang lahat ng laboratoryo mula February 22, habang nasa tatlo lamang ang nabigong magsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System sa itinakdang oras.