COVID-19 vaccine, para sa lahat ng mga Pilipino – Duque

Binigyang diin ni Health Secretary Francisco Duque III na para sa lahat ng mga Pilipino ang inokulasyon kontra COVID-19 sa Pilipinas, at walang sinuman ang dapat tinatanggihan sa ilalim nito kahit pa mga miyembro ito ng private armed groups.

Inihayag ito ni Duque habang ipinapaliwanag ang plano ng gobyerno na paigtingin ang vaccination drive sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung saan ay matatagpuan ang maraming armadong grupo.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Natanong naman kay Duque kung ano ang gagawin ng gobyerno sakaling meron miyembro ng Abu Sayyaf o New People’s Army (NPA) ang pumila para magpabakuna.

Bilang sagot ay sinabi ni Duque na walang pinipili sa bakunahan ng bansa.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Aniya, hindi dapat pinagkakait ang mga bakuna sa mga Pilipino.

Ipinunto rin ng kalihim na kung hindi mababakunahan ang mga armadong grupo, ay maari rin sila maging sanhi ng hawaan.