171 barangays sa So.Cot, drug-cleared na

KORONADAL CITY – DRUG-cleared na ang 171 ng 199 barangays sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Barangay Drug Clearing Program o BDCP ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. Sa ngayon, 20 mga barangay pa sa South Cotabato ang drug affected, at 8 ang nananatiling drug free.

Ilan sa mga munisipyo na wala ng drug affected barangay ang Norala, Polomolok, Surallah, Tantangan, at Tupi.

Kabilang sa mga parameters ng assessment sa Barangay Drug Clearing Program ang non-availability ng drug supply; kawalan ng drug-dependent, pusher o user; kawalan ng clandestine drug laboratory; active involvement ng mga barangay officials sa anti-drug activities; pagkakaroon ng drug awareness, preventive education and information programs at voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *