DOLE 12 magsasagawa ng Kalayaan Job Fair

KORONADAL CITY – MAGSASAGAWA ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 ng Kalayaan Job Fair sa June 12 sa Robinsons Place, General Santos City. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 Independence Day.

Kabilang sa mga bakanteng trabaho na maaaring aplayan ng mga jobseekers ang production crew, call center agents, financial advisor, security guard, collection specialist at marami pang iba.

Read More:  Philippine Army deploys additional forces to BARMM ahead of 2026 elections

Kaugnay nito, hinihikayat ng DOLE 12 ang mga jobseekers na samantalahin ang job fair upang makahanap at magkaroon ng trabaho.

Read More:  Motorcyclist dies after getting caught in fallen power cable in Davao Oriental

Samantala, upang mapataas ang tyansa na ma-hire, pinapayuhan ang mga job seekers na magdala ng maraming kopya ng application documents, at magsuot ng proper attire sa pag-apply.