Labingpitong Pilipino ang kabilang sa mga binihag nang i-hijack ng armadong grupong Houthi ang isang barkong naglalagayag sa Red Sea.

Linggo ng lusubin ng armadong grupo ng Houthi mula Yemen ang barkong galaxy leader na ayon sa grupo ay isang Israeli ship bagay na mariing itinanggi ng Israel.
Ayon sa Israel Defense Forces galing Turkey at papuntang India ang barko pero hindi ito Israeli ship at walang sakay na Israeli nationals.
Lumalabas naman sa ilang report na British registered ang barko pero part owner ang isang Israeli businessman.
Kinondena naman ng Japan ang hijack dahil Japanese company ang nag o-operate ng barko na lulan ang 25 na foreign crew mula Bulgaria, Ukraine, Mexico, Romania at Pilipinas.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Israel at direkta sa mga Houthis.
Umapela rin sila ng tulong sa Saudi Arabia, Oman, Iran, at iba pang bansa na udyukan ang mga Houthis na bitawan na ang barko at palayain ang mga crew nito.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Eduardo De Vega na nakikipagtulungan na ang Department of Migrant Workers at sa iba’t ibang ahensya para ligtas na maiuwi ang mga Pilipinong nabihag.
Umalma din ang Estados Unidos sa nangyaring insidente.