Kamara tinalakay ang resolusyon laban sa War on Drugs ni Duterte

Sinimulang talakayin ng House Committee on Justice at Human Rights ang mga resolusyon na humihikayat sa Marcos administration na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa madugong war on drugs ng Duterte administration.

Kasama sa nagsusulong nito ang mismong chairman ng House committee on human rights na si Rep. Bienvenido Abante.

Umalma naman dito ang dating taga pagsalita ng dating pangulo na si Atty. Harry Roque.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sinabi ni Roque na walang legal na basehan ang kagustuhan ng mga kongresista dahil wala ng hurisdiksiyon ang ICC sa bansa.

Nilinaw naman ni Rep. Abante na walang tinatarget ang kanyang resolusyon.

Nag ugat ang alitan sa pagitan ng pamilyang Duterte at Kamara ng umalis si Vice President Sara Duterte sa Lakas-CMD ni Speaker Martin Rumualdez.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Ito ay matapos patalsikin bilang senior deputy speaker si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na malapit sa bise hanggang sa matanggalan ng confidential funds ang bise sa 2024 budget.

Idagdag pa ang pagbabatikos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na nauwi sa pagpasa ng resolusyon bilang pagdepensa sa kanilang institution at ang usaping impeachment laban kay VP Duterte.