16 BARANGAY SA CAMARINES NORTE IDINEKLARA NA BILANG DRUG CLEARED BARANGAY

CAMARINES NORTE- Labing anim (16) na barangay sa Camarines Norte ang naideklarang drug-cleared barangay sa ginanap Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) Deliberationkahapon alas 9:00 ng umaga Pebrero 22, 2022

Ang Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) Deliberation ay para sa Conferment ng Animnapu’t Walong (68) Barangay sa lalawigan ng Camarines Norte na dati ng ideneklarang drug-cleared Barangay at ang labing anim (16) na aplikanteng barangay para maideklarang drug cleared na ginanap sa Villa Eusebia Restaurant, Labo Camarines, Norte.

Ang nasabing programa ay dinaluhan ni PLTCOL ROGELYN C PERATERO, Chief PCAD, mga Chief of Police, CAD PNCO at miyembro ng CORE Team ng lahat ng kandidatong barangay mula sa sampung (10) munisipalidad sa lalawigan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Director III Atty. Gil T Pabilona, Chairperson, ROCBDC/RD, PDEA.

Sinimulan ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga kalahok kasunod ng mga mensahe ng mga panauhin at sinundan ng pagtalakay ng proseso sa pagpapanatili ng katayuan ng Drug Clearing.

Kasama sa programa ang pagsusuri ng mga dolkumento na pinangunahan ng mga miyembro ng ROCBDC at mga kinatawan ng Core Group na kinabibilangan ng CNPPO, Provincial Local Government Unit, DILG at ng DOH.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Labing anim (16) na barangay ang naideklarang drug-cleared barangay kabilang dito ang Brgy. Alayao ng Capalonga, Brgy. South Poblacion, Jose Panganiban, Basiad, Sta. Elena, Gabon, Talisay, Brgy. Malaguit at Brgy. Capacuan ng Paracale, Brgy. Calangcawan Sur at Brgy. Matango ng Vinzons at Brgy. San Antonio, Brgy. Santa Cruz, Brgy. Bagong Silang III, Brgy. Fundado, Brgy. Baay, Brgy. Iberica, Brgy. Malatap at Brgy. Masalong sa bayan ng Labo, Camarines Norte.