Kaso ng COVID-19 sa Catanduanes, umabot na sa 3,188; 1 bagong kaso at 2 recoveries, naitala kahapon

BNFM BICOL— Umabot na sa kabuuang 3,188 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinakahuling tala ng Department of Health-Bicol.

Sa naturang bilang, 105 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso kung saan isa ang pinakabagong naidagdag mula sa bayan ng Virac.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Dalawa naman ang napabilang sa mga gumaling kung kaya’t umabot na sa 2,967 ang recoveries sa isla, habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi kung kaya’t nananatili  ito sa 116.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Bunsod nito , patuloy pa rin ang paalala ng PHO-Catanduanes sa publiko na huwag maging kampante at patuloy pa rin na sundin ang mga umiiral na health protocols.###