Darren nilinaw na malapit na kaibigan lang niya si Cassy Legaspi

Nanindigan ang batang singer na si Darren Espanto na malapit na magkaibigan lamang sila ni Cassy Legaspi.

Ito ay sa kabila ng pagiging malapit nila at sweet sa isa’t isa.

Sinabi ni Darren na ini-enjoy nila ni Cassy ang kung ano ang meron sila at hindi naman daw sila nagmamadali.

Sa ngayon, sinabi ni Darren na hindi sila masyadong nagkikita at nakakasama ni Cassy dahil sa kani-kanilang mga work commitments.

Giit ni Darren, kahit hindi sila masyadong nagkikita ni Cassy ay napakaespesyal pa rin nito sa kanya.

Sa kabilang banda, wala namang kiyeme na sinabi ni Cassy sa kanyang social media account na masaya siya na dumating sa buhay niya si Darren na kung tawagin niya ay “D”.