KORONADAL CITY- NAKAPILI na ang committee ng National Open Hip Hop Dance Competiton ng T’nalak Festival ng 15 mga officials entries na magpapasiklaban sa naturang kompetisyon.
Napag-alaman na 93 mga grupo mula sa iba’t ibang mga lugar sa bansa ang nagsumite ng intensyon na sumali ngunit pinili lamang ng committee ang 15 pinakamagaling.
Kabilang sa officials entries ang 3 mga dance crews mula sa Luzon, ang Autonomicass Crew, Prime Movers Dance Crew at Amplified Gen X; Bros Fam, Thy Kingdom, kag SZHD sa Visayas; at 9 na dance crews sa Mindanao, ang Souldiac, El Hombre, ESTMD Company, Urban Myx, EMNT Alchemist, D Next Play Cru at ang Xtreme Dancers at Ground Zero ng Koronadal City.
Umabot sa P 602,500 ang inilaang pondo ng probinsya para sa National Hip Hop Competition.
Ang champion ay makakatanggap ng P 100,000, P 70,000 sa 1st runner up, P 50,000 sa 2nd runner at P 10,000 naman ang consolation prize.
Ang National Open Hip Hop Dance Competition ay isasagawa sa July 17, alas- 2:00 ng hapon sa South Cotabato Gym and Cultural Center.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-57 Foundation Anniversary at ika-24 na T’nalak Festival ng lalawigan.
