140 bagong barangay tanod sa Milaor, Camarines Sur sasailalim sa apat na araw na training at seminar; arresting techniques ituturo

NAGA CITY – Nakatakdang ituro sa 140 mga bagong barangay tanod ng Milaor, Camarines Sur kung papano manghuli o mag-aresto ng mga pasaway sa kanilang sakop sa gagawing training at seminar na pangungunahan ng Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bukod sa arresting techniques, ituturo din sa mga barangay tanod ang pagla-logbook sa lahat ng mga kaganapan nila habang naka-duty para monitor ng kanilang mga barangay opisyal ang mga nangyari sa buong maghapon at magdamag.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Edwin Olitoquit, Head ng MDRRMO, sinabi niyang ang training at seminar ay sisimulan ngayong darating na Enero 16 hanggang Enero 19, apat na araw silang tuturuan sa magkahiwalay na venue.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Aniya’y dalawa ang venue, ng mga ito sa Barangay Sto. Domingo Evacuation Center para sa 13 barangay na natitira sa Barangay Maydaso.