NAGA CITY – Puspusan na ang Lokal na Pamahalaan ng Naga, sa paghahanap ng mga posibleng inbestor para sa City Industrial Park ngayong nagsisimula pa lang ang taong 2024.
Sa panayam kay City Councilor Joe Perez, Committee Chair on Investment, Trade, Industry and Economic Enterprises, katunayan may ilang bansa na ang iniimbitan ang lungsod para nasabing proyekto at iba pa, na nakatalaang puntahan katulad ng Korea, United States of America, lalo na ang Japan na una nang nangakong mag-iinvest para sa nasabing proyekto.
Kung saan magdadala ng napakalaking development, pag-unlad, at negosyo sa lungsod, maging sa nasa 10, 000 trabahador na makikinabang at magkakaroon ng trabaho dahil sa nasabing proyekto, na nakatuon sa manufacturing industry para sa eksportasyon, lalo na’t isa sa hinahanap ng mga inbestor ang mababang cost of production, tax incentives at ang availability ng produkto.
Matatandaang, deneklara na ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA na isang Economic Zone na ang Naga City matapos ang kauna-unahang magkakaroon ng Industrial Park sa buong Bicol Region, kasabay ng groundbreaking ceremony nitong taong 2023.