BI modernization – solusyon daw para maiwasan ang korapsyon sa ahensya

Naniniwala si Senador Christopher “Bong” Go na mayroong direktang relasyon ang pagbibigay ng mababang sahod at pagkakaroon ng kulang na bilang ng mga tauhan sa bawat ahensya sa paglaganap ng isyu ng korapsyon sa bansa.

Kaugnay nito, patuloy na itinutulak ni Go ang pagsasabatas sa Senate Bill No. 11185 o Bureau of Immigration Modernization Act.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ito ay upang ma-modernize ang BI at mabigyan sila ng karagdagdang personnel at kompensasyon.

Ayon kay Go, sa pamamagitan nito ay wala ng magiging dahilan ang BI upang pumasok sa korapsiyon at makatutulong din ito sa pagpapabuti pa sa sistema ng BI.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Maalala, ang BI ang siyang gumaganap bilang primary enforcement arm ng gobyerno sa pagbabantay sa mga foreigners sa loob ng hurisdikyon ng teritoryo ng Pilipinas.