14 na sakong uling na sakay ng isang kotse, naharang ng  kapulisan sa kalagitnaan ng oplan sita sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Isang kotse na sakay ang nasa labing-apat (14) na sakong uling ang naharang mga tauhan ng Basud MPS sa kalagitnaan ng pagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Maharlika Highway ng Purok Yakal, Barangay Poblacion 2,   Basud, Camarines Norte nitong nakatalikod na linggo

Ayon sa ulat, ang drayber ng nasabing kotse ay kinilalang si “ENCIONG”, 33 anyos, isang construction worker, at residente ng Purok 2, Barangay 1, Mercedes Camarines Norte.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Diumano, isang concerned citizen ang nagreport sa Basud MPS hinggil sa umano’y iligal na transportasyon ng uling na diumano ay dadaan sa nasabing bayan.

Kaagad namang nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Basud MPS sa pangunguna ni PMAJ MELVIN B ATACADOR, Hepe, sa sa nabanggit na lugar at nahuli ang nasabing suspek na sakay ng Isang (1) Mitsubishi Lancer lulan ang labing-apat (14) na sako ng uling na walang kaukulang permit na ipinakita mula sa DENR.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Ang nasabing personahe at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.