DOH, nagtala lang ng 1,906 bagong kaso ng COVID mula April 4-10, 2022

Nagtala ang Pilipinas ng kabuoang 1,906 na mga bagong kaso ng COVID-19 mula April 4 hanggang April 10, 2022 na 29% na mas mababa kumpara sa mga kaso na naitala ng nakalipas pang linggo.

Ayon sa weekly bulletin ng Department of Health, ang daily case average para sa naturang linggo ay nasa 272.

Ang daily case average ay mas mababa kumpara sa 382 na naiulat mula March 28 hanggang April 3, sa 2,679 new COVID-19 infections.

Lumalabas rin sa datos na may 707 severe at critical cases ang kasalukuyang naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.