13 na lugar sa region 2, apektado ng pesteng rbb; mga light trap at insecticides, ipinamahagi ng DA Regional crop protection center

Namahagi na ang DA-Regional Crop Protection Center ng mga light trap at insecticides sa 13 bayan at siyudad sa Region 2 na apektado ngayon sa outbreak ng pesteng Rice Black Bug.

Ito ang kinumpirma ni OIC Chief Minda Flor Aquino ng DA-Regional Crop Protection Center sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, ang mga apektadong bayan ay natukoy sa Lalawigan ng Isabela na may 11 at dalawa naman sa Quirino Province habang inaantay pa lamang ang report at confirmation sa iba pang probinsya sa Region 2 na maaring naapektuhan ng RBB.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Una umanong nakapagtala ng incident ng pagdami ng RBB sa Isabela sa katatapos na full moon dahil bahagi na umano ng kanilang life pattern ang ma-attract sa liwanag ng buwan

Ayon pa kay Aquino, maaring magtagal ang pamemeste ng RBB sa vegetative hanggang maturity o harvesting kung hindi ito agad na maagapan.

Upang makontrol aniya ang infestation ng RBB ay dapat patuloy ang monitoring ng mga magsasaka mula land preparation hanggang pagtatanim.

Inirerekomenda ng kanilang tanggapan ang synchronous planting at tamang pag-aabono dahil makasasama umano ang sobrang nitrogen na siyang guston-gusto ng mga pesteng RBB.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang training, technical briefing at malawakang information dissemination ng DA-Regional Crop Protection Center sa mga magsasaka ukol sa pagkontrol at maaaring pagkawala ng RBB sa kanilang sakahan.

Dagdag pa ni Aquino, maaring sunugin o ibaon sa malalim na lupa ang mga RBB upang hindi na ito dumami pa.

Samantala, wala naman umanong masamang epekto sa kalusugan ng tao ang pesteng RBB ngunit malaki ang epekto pa rin umano nito sa lasa ng bigas.