Kamakailan, 12 miyembro ng NICU team sa Virginia Hospital ang mistulang nag-usap-usap dahil sa pare-pareho umano itong nagsibuntis.
Ito rin umano ang hindi malilimutan at makasaysayang pangyayari sa unit sa loob lamang ng isang taon.
Ayon sa tagapagsalita ng ospital, 5 umano dito ay mga first time moms, sampo sakanila ang registered nurses, isang nurse practitioner at isang unit secretary.
Sa ngayon, dalawa na rin ditto ang nakapanganak na at sinabi din ng iba na hind umano sila nangangamba dahil sa suportado sila ng lahat simula sa kanilang pagbubuntis hanggang sa manganak kalaunan.
Ganunpaman, sinabi din ng ospital na bhindi na bago ang pangyayari dahil sa nakaraang taon ay 14 din ang nakasabay-sabay na magbunti sa St. Luke’s East Hospital sa Missouri.|WENCY LISAY