Nagtala ng patuloy na pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 ang 12 mga lugar sa National Capital Region.
Pero ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa naman ito “significant” dahil hindi nito naapektuhan ang admission rate sa mga ospital o ang bilang ng severe at critical cases.
Sa ngayon, puro mild at asymptomatic lang ang infections, at umaasa ang DOH na mananatili ito, bagama’t walang dahilan para maging kumpiyansa.

Dagdag ni Vergeire, kahigit sa kalahati ng mga admissions ay mild at asymptomatic lang, kung saan, tangging 498 o 11.3% ng kabuoang admissions ang severe at critical cases.
Ito ay mababa umano ng 17% kumpata sa 599 severe at critical admissions sa nakaraang linggo. //MHEL PACIA