Pabor ang chairperson ng Vaccine Expert Panel na magbigay ng bakuna kontra sa COVID-19 para sa mga batang limang taong gulang pababa, para makompleto ang vaccine coverage.
Ayon kay Dr. Nina Gloriani, makakatulong ito sa mga bata na may iba pang karamdaman, pero kailangan munang ikonsulta ito sa pediatricians.
Para kay Gloriano, ang dapat na bibigyan ng bakuna laban sa COVID ay ang mga batang may sakit dahil sila ang mas makakaranas ng mas severe forms ng COVID.

Mababatid na sinimulan ng bansa ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 taong gulang hanggang 11, nitong unang bahagi ng 2022, habang ang inoculation drive para sa mga menor de edad na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ay sinimulan noong October 2021.
Aminado naman si Gloriani aabutin ng maraming konsultasyon sa mga eksperto para pagdesisyunan ang naturang usapin, at wala pa naman umanong aplikasyon na isinusumite. //MHEL PACIA