12 BU graduates, mga bagong Chemical Engineers

BICOL—Bumuhos ang pagbati sa 12 bagong chemical engineers na mga graduate ng Bicol University College of Engineering matapos ang mga itong pumasa sa kakatapos lang na 2021 Chemical Engineering Licensure Examination.

Kabilang sa mga ito sina Engrs. Felix Aurelio, Jr; Lisette  Catangui; Kristine  Dajac; Leanne Joyce Guañizo; Anabelle Laynesa; Kimberly Matedios; Renz Dave Morano; Austin Matthew Olila; Alvin Realingo; Ma. Kristiani Relato; Glen Paulo Trinidad at April Joy Zulieta

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

12 sa 25 kumuha ng eksaminasyon ang pumasa kung kaya nakuha ng BU ang 48% passing rate habang nakuha naman ng BU ChE department ang 63.16% passing rate para sa mga first takers.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 321 lamang ang pumasa mula sa 679 takers sa buong bansa o nasa 47.27% national passing rate.###