Mahigit 100 indibidwal sa lalawigan ng Catanduanes, nagtapos sa iba’t-ibang training courses ng TESDA

BNFM BICOL—Nasa 105 indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes ang nagtapos sa iba’t-ibang training courses sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Mula sa nasabing bilang, 46 na mga graduates ang mula sa bayan ng San Andres kung saan 13 sa mga ito ang nakapagtapos ng Driving NC-II; 20 ang nagtapos ng Contact Tracing Level II habang 13 din sa Bread Pastry Production NC-II.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, umabot naman sa 59 ang nagsipagtapos sa bayan ng Caramoran. Nasa 15 ang naitalang graduates sa Driving NC-II; 25 sa Contact Tracing Level 1 habang 19 naman ang nakapagtapos sa ilalim ng kursong Tile Setting NC-II.

Ayon kay TESDA Administrator Elpidio Tuburo, isinulong ng kanilang ahensya ang libreng pagtanggap at pagpapa-aral sa mga residente ng lalawigan upang mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na magkaroon ng magandang trabaho sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Matatandaan na ang Contact Tracing Level II naman ay ang pinakabagong kurso na iniaalok ng TESDA bilang bahagi ng solusyon ng gobyerno upang mapunan ang kakulangan ng mga contact tracers sa bansa.###