12 bayan sa Camarines Norte nakapagtala lahat ng aktibong kaso ng COVID- 19 ilang araw bago ang pasko at pagsalubong sa Bagong Taon

CAMARINES NORTE – Tumaas na naman ang bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte ilang araw bago ang pasko at pagsalubong sa bagong taon.

Sa katunayan lahat ng bayan sa ngayon ay mayroon na uling aktibong kaso.

Sa tala ng Provincial Health Office hanggang nitong Lunes, December 12, umaabot sa 94 ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan.

Dahil dito umakyat na sa kabuuang 4, 595 ang mga kaso ng COVID- 19 sa lalawigan mula noong 2020.

Pinakamarami ang aktibong kaso ng sakit sa Daet na may 38 na sinusundan ng Jose Panganiban at Vinzons na kapwa may 11.

Ang nalalabing mga bayan ay nakapagtala ng single digit na aktibong kaso.

Ang Paracale ay mayroong walo, anim sa Basud at Labo, lima sa Talisay, tatlo sa Mercedes habang may tig- iisang active case ang San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Sta Elena.

Sa hiwalay na ulat ng Department of Health nakapagtala ang lalawigan ng 56 na bagong Covid- 19 cases noong nakaraang linggo na pangalawa sa pinakamarami sa Bicol at mas mataas sa 53 sa sinundang linggo.

Ang mga bayan na nakapagtala ng bagong kaso ng sakit ay ang Daet na may 22, anim sa Paracale at Vinzons, lima sa Talisay, apat sa mga bayan ng Basud, Jose Panganiban at Labo.

Dalawa naman ang naitala sa Mercedes at tig- iisang kaso sa Capalonga, San Lorenzo Ruiz at Sta Elena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *