City LGU, nakapagtala ng mahigit 3,700 rehistradong negosyo ngayong taon

Kinumpirma ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) Sorsogon City na sa kasalukuyan umakyat na sa mahigit 3,700 ang bilang ng mga rehistradong negosyo sa lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay Rodel Ferreras ang head ng opisina, sinabi nito na isa itong magandang balita para sa lahat kung saan patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nagnenegosyo at namumuhanan sa lungsod ng Sorsogon sa kabila ng epekto ng pandemya.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Mula sa nasabing bilang, halos 80 rito ay mula sa SM Mall na malaki ang naitulong upang tumaas ang business taxes na nakokolekta ng City Government na ngayog taon ay umabot na sa mahigit P88M kumpara sa P82M na business tax collection nitong nakatalikod na taon. Inaasahan pa umanong taaas pagpasok ng 2023.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash