Patay ang 11 tao kabilang ang dalawang bata sa nangyaring mass shooting sa Catinje city sa Montenegro.
Ayon sa report ng mga pulis, unang pinatay ng suspect ang isang pamilya na nangungupahan sa kanyang bahay gamit ang hunting riffle.
Dito umano napaslang ang dalawang bata na may edad na 11 at 8 habang ang kanilang ina ay nadala pa sa ospital pero namatay din.
Pagkatapos umano nito ay nagtungo sa kalsada ang suspect kung saan pinagbabaril nito ang ilang kapitbahay gamit ang kaparehong baril.
Napag-alaman na walang habas na namaril ang suspect pero napatay din ito ng isang sibilyan para matigil ang kanyang pamamaril sa mga inosenteng kapitbahay.
Samantala, nasa kritikal pang kondisyon ang tatlo pang sugatan sa nasabing pangyayari.
