Isa patay habang tatlong katao ang sugatan matapos bumaliktad ang sinasakyang jeep sa municipal road sa Brgy. Cadsalan, San Mariano, Isabela kaninang alas-9 ng umaga, August 18, 2021.
Sa impormasyon na nakalap ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PNP San Mariano, ang nasawi ay kinilalang si Regie Bumagat, 33-anyos, helper at residente ng San Manuel, Roxas Isabela.
Habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Reymund Martinez, 35-anyos, may-ari at tsuper ng naturang jeep; Edgar Martinez, 17-anyos at Roy Tamang, 45-anyos, helper at pawang mga residente ng Brgy. Balagan sa nabanggit na bayan.
Batay sa pagsisiyasat ng kapulisan, binabagtas umano ng jeep na minamaneho ni Bagaoisan sakay ang tatlo nitong helper ang daan patungong Brgy. Cadsalan at nang makarating sa pababang bahagi ng daan ay nawalan umano ng siya kontrol sa manibela.
Dahil dito ay bumangga ang jeep sa gilid ng bundok hanggang sa bumaliktad ito at tumilapon ang mga pasahero nito.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga lulan ng jeep at isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival si Bumagat.
Boluntaryo namang sumuko sa mga otoridad ang driver ng jeep na ngayon ay nasa pangangalaga na ang San Mariano Police Station.