11 Chinese – huli sa isang planta sa Camarines Norte

Sinalakay ng mga otoridad ang isang mineral processing plant sa barangay Tugos Paracale Camarines Norte.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission na nakatanggap sila ng sumbong mula sa gobernador ng probinsiya na sangkot umano sa iligal na pagmimina ang 11 Chinese national na nagta-trabaho umano roon.

Sinabi pa ng PAOCC, may environmental complaints certificate ang kumpanya sa isang lugar pero iligal na ang pag-expand nila sa iba pang area at napag-alaman din na tourist visa lang ang hawak ng mga Tsino.

Ii-inquest ang mga na-arestong Chinese national para sa Immigration violation at sasampahan din sila ng paglabag sa Philippine Maning Act at Clean water act.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

DEPENSA NG MAY-ARI

Napag-alaman ng Brigada News FM Daet na ang pagpasok ng Bureau of Immigration at PAOCC ay dahil sa mayroon diumanong Intelligence Information na may mga Chinese National sa lugar, lumamabas na Visit Visa lamang at walang mga kaukulang working permit sa plantang pag aari naman ng isang Amy Oco.

Sa panayam ng Brigada News fm Daet kay Amy Oco, sinabi nitong walang katotohanan na mayroong operation na large scale mining sa lugar, na una nang sinabi ng ahensiya, dahil isang tailing pond ang nakita doon na siyang tinatapunan ng basura nang kanilang existing plant.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

“Kung may nakita po kayo doon na kagamitan, ito po ay para sa expantion ng aming planta, kung saan ito ay gagamitin paara i re process ang lahat na waste na nagmumula sa aming existing plant” ani Oco.

“..and tungkol naman sa mga nasabing chinese national na nahuli sa aming lugar sila po ay hindi empleyado ng aming plamanta. bagkus ang aming planta ay naka kontrata sa GRX enterprizes kung saan ito po ay Pilipino ang may-ari, Filipino company.” dagdag pa niya. (WITH REPORTS FROM 102.9 BNFM DAET | DONDE CONSUELO)