11 bagong kaso ng Covid-19 naitala; aktibong kaso sa lalawigan, umabot na sa 40

Muling umakyat sa 40 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid 19 sa lalawigan, ito’y matapos na makapagtala ng 11 mga bagong kaso kahapon.

Sa datos ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon, kabilang sa mga nagpositibo ang 6 na indibidwal mula sa lungsod ng Sorsogon, dalawa mula sa bayan ng Bulan at tig-iisa mula sa mga bayan ng Barcelona, Pilar at Pto Diaz.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Tatlo naman ang mga recoveries ng nasabing sakit at ang mga ito ay mula sa Sorsogon City at mga bayan ng Matnog at Juban.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa kabuuan ay umabot na sa 9,290 ang mga tinamaan ng nasabing sakit sa lalawigan habang nananatili naman sa 503 ang death toll.