Mga mag-aaral sa graduate school, posible rin umanong makatanggap ng educational assistance – PED Albay

LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan ngayon ng Provincial Education Department (PED) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na maisama rin ang mga mag-aaral sa graduate school sa kanilang programang nagbibigay ng tulong-pinansiyal.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kay Dr. Roman Chamberlane G. Zuniga VI, nakikipag-ugnayan na sila kay Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman at umaasang maaprubahan na ito dahil marami ang posibleng makinabang dito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sinabi pa ni Zuniga na kung madadagdagan pa ang pondo nila, posibleng maisakatuparan ang plano nilang ito, ngunit dahil edukasyon ang prayoridad ng gobernador, hindi malayong ito’y maaaprubahan din.