KORONADAL CITY- NAPANATILI ng 109 na mga barangay sa Soccsksargen ang drug cleared status ng mga ito matapos ang isinagawang blended face-to-face at virtual deliberation ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) Region XII na pinamumunuan ni PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan.
Kabilang sa mga ito ang 64 na mga barangay sa North Cotabato; 17 barangays sa Saranggani; 27 barangays sa Sultan Kudarat; at isang barangay sa South Cotabato.
Samantala, nadagdag naman sa mga bagong naideklarang drug cleared ang Barangay Poblacion ng Lambayong, Sultan Kudarat.
Kabilang sa parameters ng assessment sa barangay drug clearing program ang non-availability ng drug supply; kawalan ng drug-dependent, pusher o user; kawalan ng clandestine drug laboratory; active involvement ng mga barangay officials sa anti-drug activities; pagkakaroon ng drug awareness, preventive education and information programs at voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desks.
