KORONADAL CITY — PINASIGURO ni Dr. Stephen Mortera, Acting OIC City Health Officer ng Koronadal, na magpapatuloy ang Covid-19 vaccination sa lungsod kahit matatapos na ang Nationwide Bayanihan, Bakunahan.
Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Mortera, kinumperma nito na magpapatuloy umano ang mga ginagawang pamamakuna sa mga vaccination sites sa Koronadal.
Pinasiguro din nito na may sapat na alokasyon ng bakuna ang syudad sa nagpapatuloy na vaccination program.
Nilinaw ni Mortera, na walang dahilan na itigila ng pamamakuna lalo na’t may bagong variant na naman ng Covid-19 na natuklasan.
Target din umano ng Koronadal na maabot ang herd immunity upang unti-unting maibalik sa normal ang pamumuhay ng lahat.
