Tatanggap na ng domestic tourist ang lungsod ng Puerto Princesa simula sa December 8, 2021 sa ilalim ng tourism bubble. Ito Ang kinumperma kagabi ng tagapagsalita ng Local IATF na si Atty. Norman Yap.
Aniya, ang tatanggapin na turista ay mga residente lamang sa Pilipinas na full vaccinated, kailangan negative sa antigen test sa loob ng 24 na oras bago ang pagpunta sa lungsod.
Kailangan din na naka-book na ang accommodation sa hotel o saan mang establisyemento, ngunit kailangan na certified ito ng City Tourism Office.
Magsa-submit naman ang mga ito sa City Tourism Office ng mga lugar o yung tinatawag na point-to-point itineraries at dedicated transport para isailalim sa validation at kung papayagan.
Dapat mayroong naka-book na pabalik na flight ang mga domestic tourist at pinapayagan lamang sila na manatili sa lungsod ng 4 na araw at 3 gabi.
Photo credit: CAAP AREA IV Puerto Princesa International Airport