105.1 Brigada News FM Manila, napabilang sa mga nominado sa 2024 Gandingan Awards

Isa sa mga nominando ang 105.1 Brigada News FM Manila sa “Most Development-Oriented FM Station” para sa 2024 Gandingan Awards ng University of the Philippines Community Broadcasters’ Society Inc.

Bukod pa rito, nominado rin ang Tira Brigada bilang Most Development-Oriented FM Program, napakikinggan tuwing ala-7:20 ng umaga.

Sa ika-18 taon nito, kikilalanin ng UP ComBroadSoc Gandingan Awards ang pambansa, lokal, at online media sa Mayo 4 sa Charles Fuller Baker Memorial Hall na may temang “Agrikultura: Mga Kuwento ng Hamon at Pag-asa.”

Sa pamamagitan ng Gandingan Awards, patuloy na hinihikayat ang mga media practitioner na gamitin ang pag-unlad bilang sentro ng kanilang pag-uulat para sa ikabubuti ng buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *