Illegal vendors problema pa rin ng mga stall owners sa Naga City People’s Mall 

NAGA CITY – Pinoproblema pa rin ng mga lehitimong negosyante sa Naga City People’s Mall ang mga illegal vendors na nasa paligid na hindi pa rin masawata sa kabila ng pagpatupad ng ordinansa ng LGU-Naga para sa mga ito, ang pagkumpiska sa mga paninda ng mga ito at mismong paghuli sa kanila ng mga mga personahe ng Naga City Police Office (NCPO) at ng Public Safety Office.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga, kay Claro Alfonso, ang federation president ng stall owners sa NCPM, sinabi niyang may ordinansa ang City Government hinggil sa tamang sistema sa pagne-negosyo na dapat naman sundin ng kagaya nilang may puwesto at negosyante.

Anya’y matagal na nilang problema ang mga squatters na ito at dapat na mabigyan na rin ng solusyon lalo pa at patuloy na yumayabong ang pagnenegosyo sa lungsod sa kabila ng pagtaas din ng inflation rate sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *