10,000 doses ng bakuna kontra ASF, dumating na sa bansa; DA, magtutungo sa Batangas

Dumating na sa bansa ang 10,000 doses ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF) na binili ng gobyerno.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Asec. Dante Palabrica, ang mga bakunang ito ay daraan muna sa proseso bago gamitin sa baboy, partikular na sa Batangas na lubhang tinamaan ng sakit.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Dagdag pa niya, bukas ay magtutungo sila sa naturang probinsya upang ilatag ang mga rules of engagement sa pagbabakuna.

Alinsunod umano sa ‘controlled vaccination’ ng FDA, may susunding proseso ang DA.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Sasabihin na umano nila sa mga magbababaoy kung paano ang gagawin.

Kapag nagkasundo aniya ang lahat sa nais ng FDA – dere-deretso na ang pagbabakuna laban sa ASF.