Napatid na ang sunud-sunod na rollback sa oil prices.
Simula kasi bukas, magtataas na ng P1.00 ang kada litro ng gasolina.
Mayroon ding umentong P1.20 sa kada litro ng diesel; at P1.00 naman na dagdag sa kada litro ng kerosene.
Kung maaalala, nakalimang linggo na ng sunud-sunod na rollback kung saan, nitong nakaraang linggo ay umabot pa ng halos P3 ang itinapyas sa oil prices.