Isa na namang kaso ng mpox ang na-detect ng Department of Health (DOH).
Ito ay matapos ang pinagtibay na surveillance kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na isa na muling public health emergency of international concern ang naturang sakit.
Ang pasyenteng ito ay isang 33-year old na lalaki, Filipino national, at walang travel history sa labas ng bansa, pero mayroong naging kontak tatlong linggo bago lumabas ang mga sintomas.
Ayon sa DOH, nagsimulang makita ang mga sintomas nito noong nakaraang linggo.
Matapos umano ang apat na araw, nagkaroon ito ng mga rashes sa mukha, likod, palad at iba pang bahagi ng katawan.
Ang kasong ito ay natagpuan sa isang government hospital.
Samantala, nakolekta ang specimen mula sa skin lesions at PCR test.