100 traffic violators naitala ng HPG Sorsogon sa loob ng isang araw

SORSOGON CITY- Tinatayang nasa 100 traffic violators ang naitala ng Highway Patrol Group Team Sorsogon matapos nitong ikasa ang kanilang ika-36 na nationwide simultaneous Oplan Lambat Bitag Sasakyan sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Highway Group Team Sorsogon Officer PMaj Roel Salvino, karamihan sa mga paglabag na naitala ng kanilang hanay ay ang hindi pagsusuot ng helmet at seatbelt, pagda-drive na walang lisensiya at mga behikulo na walang kaukulang rehistro mula sa Land Transportation Office (LTO).

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Salvino, hindi lamang ang mga motorsiklo ang sinisita kundi kabilang rin dito ang mga 4-wheels vehicle at iba pang baggage truck.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon pa sa opisyal, ang kanilang ikinakasa na OPLAN LAMBAT BITAG ay matagumpay na naisasakatuparan sa tulong ng LTO, PNP at SK3 upang mas mapa-igting ang kamalayan ng mga mamamayan sa batas trapiko.