Pagbabakuna sa mga PDL sa lalawigan ng Sorsogon, umarangkada na

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Bureau of Jail and Penology o BJMP Sorsogon Provincial Office na umarangkada na ang pagbabakuna sa mga person’s deprived of liberty o PDL sa lalawigan.

Ayon kay BJMP Sorsogon Jail Chief Inspector Atty Rodolfo Versoza Jr, nagsimula ang on- site vaccination sa Sorsogon City District Jail  araw ng Biyernes nitong nakatalikod na linggo.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Pahayag ni Versoza, sa ngayon ay nasa mahigit 85 PDL na ang natapos maturukan ng bakunang Janssen habang lahat naman ng personnel mula sa Sorsogon City District Jail ay bakunado na.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Isinagawa ang pagbabakuna sa mga PDL sa pamamagitan ng tulong ng Sorsogon City Health Office.