Nalampasan na ng buwan ng Oktuber ang pinakamaraming nasawi sa COVID-19 sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Base sa inilabas na datos ng Incident Management Team as of October 31, 2021 ay umakyat na sa 100 ang binawian ng buhay dahil sa virus mas mataas ito kumpara noong first wave ng COVID-19 lungsod noong buwan ng Hunyo na mayroong 90 nasawi.
Lumabas din na 94 sa mga namatay ay hindi bakunado, 2 ang nabigyan ng 1st dose habang apat ang fully vaccinated.