10-point agenda ni Mayor Ariel Non ng Jose Panganiban, pormal nang iprinisenta sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Pormal ng inilatag ni Mayor Ariel M. Non sa Sangguniang Bayan ng Jose Panganiban ang nilalaman ng kanyang ten-point agenda para sa taong 2022-2025.

Sa isinagawang regular na sesyon nitong lunes na presente sa okasyon si Vice Mayor Kuatro Padilla, buong miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga department and office heads ng Lokal na Pamahalaan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Binubuo ng ten-point agenda ng alklade ng mga programa at proyekto para sa (1) Administration of Good Governance, (2) Agriculture and Fishery, (3) Livelihood, Local Investment, and Enterprises, (4) Infrastructure, (5) Tourism, (6) Peace and Order and Public Safety, (7) Education, (8 ) Health, Sanitation, and Social Welfare, (9) Environment and Solid Waste Management, at (10) Disaster Resiliency.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Tiniyak naman ng alkalde na maliban sa kanyang ten-point agenda, magpapatuloy pa rin ang mga regular na programa ng Lokal na Pamahalaan upang patuloy na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mga kababayan.