Nasa dalawamput limang Grade 1 students nakatanggap ng school supplies mula sa Sta Elena MPS bilang bahagi ng Project Ligtas Balik-Eskwela

CAMARINES NORTE- Nasa 25 kabataan na papasok bilang Grade 1 students ang nakatanggap ng mga kagamitan sa pag-aaral mula sa Sta. elena Municipal police Station

Ang mga benepisyaryo ay mag-a-aral ng Earths Bounty, Kagtalaba, Basiad, Don Tomas, Salvacion, Pulonguit-guit, Bulala at M. Hebrado Elementary School

Kabilang sa mga ipinamahaging school supplies ay mga school bag, school uniform, sapatos, medyas, lapit at crayons at iba pa

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng proyektong Ligtas Balik-Eskwela na may temang “Edukasyon ay pahalagahan tungo sa magandang kinabukasan”ng Sta. Elena MPS na pinamumunuan ni PMAJ KIM LAWRENCE R ARENAS, COP

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Katuwang ng Sta. elena MPS ang Municipal Advisory Group at ang Local Government Unit ng Sta. Elena  at Sangguniang bayan gayundin ng PRO5 sa pamumuno ni Reginal Director PBGEN RUDOLPH B DIMAS

Layunin nito na maipaabot ang suporta ng mga  kapulisan  sa mga batang mag-aaral na papasok pa lamang sa unang baitang