Dalawang kalalakihan timbog sa drug buy-bust operation na ikinasa ng Mercedes PNP

CAMARINES NORTE – Dalawang kalalakihan ang napasakamay ng mga otoridad sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng Mercedes MPS kasama ng mga operatiba mula sa Camarines Norte Provincial Intelligence Unit at ng Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company dakong 1:40 ng madaling araw nitong Agosto 19, 2022 sa Purok 3, Barangay 2, Mercedes, Camarines Norte.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang mga naarestong personahe ay nakilalang sina alyas “Onad”, 37 anyos na drayber at si alyas “Poy”, 37 anyos,  kapwa residente ng bayan ng Daet

Narekober sa isinagawang operasyon ang Tinatayang umaabot sa 0.72 gramo ng hinihinalang droga na may katumbas na halagang umaabot sa Php 4,900.00.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Ang mga  naarestong personahe pati na ang mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.