1 tulay sa Brgy. Topland, Koronadal, sinira ng tubig-baha

KORONADAL CITY – SINIRA nga malakas na agos ng tubig-baha dahil sa pag-ulan ang isang tulay na komokunekta sa Purok Upper Mabuhay at sa National Highway sa Barangay Topland, Koronadal City.

Tinatayang 50 na mga households ang apektado sa pagbaha at nasirang tulay kung saan kinakailangan ng mga residente na umikot at maghanap ng ibang madadaanan upang hindi ma-antala sa kanilang mga trabaho, transaksyon gayundin ang nalalapit na pasukan ng mga estudyante.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Humihiling naman ngayon ang mga residente na maaksyunan na sana ang problemang kanilang kinakaharap upang tuloy-tuloy na ang pagsasagawa nila ng kanilang mga aktibidad. Maaalala na ang naturang mga tahanan ay pinasok ng tubig-baha kung saan inanod ang ibang mga kagamitan ng ilang pamilya kabilang na ang isang alagang baboy.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire