Mayroong nang lead ang PNP sa posibleng ina ng fetus na natagpuan nitong umaga ng Biyernes , July 22, 2022 sa bahagi ng Purok Magalang, Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.
Sa imbestigasyon, mayroon umanong 40 anyos na babae ang dinala sa Ospital ng Palawan dahil sa “incomplete abortion”.
Isinailalim naman ito sa DNA testing sa pamamagitan ng pagkuha ng buccal swab ng pasyente upang malaman kung tutugma sa natagpuang fetus.
Ayon naman sa isang Mark Edeson Severa Guerrauerra, 29 anyos na residente ng Barangay Sta. Monica, nakita nito ang isang aso na tangay sa bibig na may dugo, nang itinaboy at mabitiwan nng aso ay saka lamang niya nakumpirma na fetus ito na kung saan ay wala na ang mga kamay at paa.