CAMARINES SUR-1, 881, 778 ang boboto sa Barangay at Sanguniang Kabataan ang sa Camarines Sur at Naga City , ito ay ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa 35 mga bayan at dalawang lungsod ang Naga City ang may pinakamaraming botante na mayroong 158-libo sumunod ang bayan ng Libmanan na may 103-libo.
Akay COMELEC Officer Atty. Noriel Badiola, inihanda ng husto ang mga magsisilbi sa halalan lalo na matagal itong nasundan. Pasalamat din sila dahil tahimik ang kampanya sa buong probinsya.
Samantala, naitala ng Philippine Coast Guard ng dagsa ng pasahero sa mga pantalan. Sa Pasacao, umaabot sa 300 ang naisasakay ng roro patungo sa Masbate simula nitong Biyernes. Ayon kay PO1st Santos Junio Jr, nag iinspection ang mga personahe ng PCG pati Maritime Police bago umalis ang roro vessel pati mga pampasaherong bangka, bawal ang over loading. May mga augment din upang mas matutukan ang dagsa ng publiko.