March of Saints muling isasagawa sa Diocese ng Daet sa Bisperas ng Undas

CAMARINES NORTE – Muling isasagawa ang tradisyunal na March of Saints sa Diocese of Daet bukas, October 31 o sa Bisperas ng Undas.

Magsisimula ang aktibidad bukas ng hapon sa Paroquia De San Juan Bautista at dadaan sa pangunahing lansangan ng Daet patungo sa Holy Trinity Cathedral.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Magkakaroon naman ng misa sa ganap na alas 4 ng hapon sa katedral.

Ang March of Saints ay tugon ng simbahan sa lumalaganap na maling paniniwala kung saan sa halip na solemneng ipagdiwang ang araw ng mga banal ay ginagawa ng ibang katatakutan.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Tampok sa aktibidad ang mga nakadamit pang santo at santa.

Sabi ni Bishop Rex Andrew Alarcon sa halip na magsuot ng kung ano- ano tulad ng nakagawian ngayon ay hinihikayat ang lahat na tularan ang mga santo.